Inilahad ni Rachel Alejandro na hindi niya pinili ang hindi magkaroon ng anak.

“It wasn't something I chose. It just happened that way,” saad ni Rachel sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.

Para kay Rachel, ang buhay ay isang serye ng mga pagpipilian.

"Pinipili mo 'yan, every day, hanggang one day, you wake up and you're too old to have a baby," ayon sa singer-actress.

ADVERTISEMENT

Pag-amin niya, naging “depressed” din siya noong pandemic.

"I said, 'wait. What did I do with my life?'" saad niya, na idinagdag na tila nawalan siya ng purpose sa buhay nang maganap ang lockdown at mawalan din siya ng trabaho.

"I questioned my choices and one of them was having a family," sabi niya.

"I thought na parang, would my life have more meaning [if I had kids]? At least meron akong iniisip, iniintindi ngayon na wala akong work," ani Rachel.

Ikinumpara niya rin ang kaniyang buhay sa mga magulang na hindi rin malaman ang gagawin noong mga panahong iyon.

"Granted they probably drove them insane, nagkakagulo sila sa bahay pero may purpose sila. Samantalang ako, nanunuod lang ako ng series," natatawa niyang sabi.

Ikinasal si Rachel sa Spanish journalist na si Carlos Santamaria noong 2011. Ayon kay Rachel, ang kaniyang asawa ang mas sigurado na ayaw na magkaroon ng anak.-- FRJ, GMA Integrated News