Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na kumpirmadong nasawi ang isa sa apat na Pilipino na nawawala sa Myanmar matapos ang pagtama ng magnitude-7.7 na lindol noong Marso 28.Sa Viber message, inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na positibong natukoy ang pagkakakilanlan ng nasawing OFW na si Francis Aragon nitong Martes ng gabi.Sa hiwalay na pahayag ng DFA, sinabing naipaalam na sa pamilya ni Aragon ang malungkot na balita."The Department of Foreign Affairs regrets to inform the nation that the remains of one of the four missing Filipinos in Mandalay, Myanmar have been positively identified," nakasaad sa pahayag."Out of respect for the privacy (of the family) in this time of grief, we are withholding further information on the matter," dagdag nito.Ayon pa sa DFA, "we will continue to work and hope for the best for the remaining three Filipinos still unaccounted for as a result of the powerful earthquake which hit Myanmar last 28th of March."Una rito, inihayag sa Facebook post ni Alvin Aragon, kapatid ni Francis, na nakita na ang mga labi ng kaniyang kapatid.“Ipinapaalam po [namin] na nakita na po [‘yung’ kapatid namin at masakit man sa amin [tanggapin na kasama na siya] ni Lord [ngayon],” saad ni Alvin sa post.Sa nakaraang ulat, napag-alaman na isang Physical Education teacher sa Myanmar ang 38-anyos na si Francis.Nakatira siya sa isang condominium building, kasama ang iba pang nawawalang OFW, na gumuho dahil sa lakas ng lindol.— mula sa ulat ni Hana Bordey/FRJ, GMA Integrated News