May maikling mensahe si Kylie Padilla sa social media matapos ang pag-amin ni AJ Raval na may lima na siyang anak, at tatlo rito ay kay Aljur Abrenica, na dati niyang asawa.

Walang pangalan na binanggit si Kylie na sa kaniyang Facebook post, pero sinabi niyang matagak na niyang alam ang sitwasyon.

"Ito lang po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero s'yempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at 'yun pinaka importante," ani Kylie.

"Happy that now 'di na kailangan magtago. Proud of you. Peace all around. Sana matapos na drama," dagdag pa niya.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" ngayong Miyerkoles, sinabi ni AJ na pitong-taong-gulang ang kaniyang panganay na anak. Ang sumunod dito ay sinabi ni AJ na "angel" na.

Ayon kay AJ, isiniwalat na niya ang tungkol sa kaniyang mga anak para magkaroon na sila ng “freedom.”

“Para hindi na sila nagtatago?,” tanong ni Tito Boy.

“Yes,” sagot naman ni AJ, na sinabing pinag-isipan niya ang ginawa niyang pag-amin.

Nasa studio rin ang am ani AJ na si Jeric nang gawin ang panayam.

Taong 2018 nang ikinasal sina Kylie at Aljur. Nagkaroon sila ng dalawang anak, at naghiwalay noong 2021.

Inakusahan noon si Aljur na nagtaksil kay Kylie. Pero itinanggi rin noon ni AJ na siya ang dahilan sa paghihiwalay ng dating mag-asawa.

Valentine's Day naman noong 2023 nang isapubliko ni Aljur at AJ ang kanilang relasyon. — FRJ GMA Integrated News