Lumabas sa isang pag-aaral na nakapagpapahaba umano ng buhay ang pagbabasa, na isang libangan para sa ilan at paraan upang makapagpahinga mula sa mga pang-araw-araw na gawain.
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Social Science & Medicine noong 2016, binantayan ang 3,635 na adults sa loob ng 12 taon, at natuklasan na ang mga nagbabasa ay may 20% na mas mababa ang tiyansa na pumanaw agad kaysa sa mga hindi nagbabasa.
Natuklasan din sa pag-aaral na may posibilidad na mabuhay nang mas matagal kaysa sa mga hindi nagbabasa ang mga taong nagbabasa nang hindi bababa sa 30 minuto.
Dagdag pa rito, isa namang pag-aaral na isinagawa ng University of Connecticut noong 2020 sa pakikipagtulungan ng Haskins Laboratories, ang lumitaw na "keeping the mind engaged through book reading delays cognitive decline and positively impacts physical and mental health."
Ayon kay Dr. Cymbeline Perez-Santiago, neurologist at head ng Neurology Unit sa Makati Medical Center, maituturing na isang "full-brain workout" ang pagbabasa ng libro-- sa halip na pagtingin sa mga larawan o panonood ng mga video-- dahil hinihikayat nito ang mga tao na gamitin ang kanilang imahinasyon.
“Books, particularly long-form content, train us to focus and pay attention at a time when the digital world’s fast-paced, short-form content has reduced our attention span,” paliwanag ni Perez-Santiago.
“Reading books also strengthens memory, challenges your analytical thinking, and makes you a better writer,” dagdag ng neurologist.
Upang hikayatin ang mas maraming mambabasa, ipinayo ni Perez-Santiago na gawing isang “enjoyable experience” o “something to look forward to” ang pagbabasa.
“When you’re waiting in the bank, at a doctor’s appointment, or for a friend to arrive for a meeting, pass the time away by getting in a few pages,” aniya.
“Also, there are no rules that you should finish a book in a week,” dagdag niya. “As proven by studies, even a few minutes of reading can do wonders for your health.” – Hermes Joy Tunac/Jamil Santos/FRJ GMA News

