Isang dambulahalang pusit ang nahuli ng isang mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Hadji Taha sa bayan ng Sibutu sa Tawi-tawi nitong Biyernes ng umaga.

 


Tinatayang may haba na walong talampakan ang pusit kaya nahirapan ang mangingisda na buhatin ito at ilagay sa kaniyang bangka.

 


Ayon sa mangingisdang nakahuli sa pusit, ito na ang pangatlong pagkakataon na makahuli siya ng dambuhalang pusit pero ito umano ang pinakamalaki.

Kaagad na pinagkaguluhan ng kaniyang mga namanghang kapitbahay ang dambuhalang pusit. (Larawan ni Kevin Guevara)-- Peewee Bacuño/FRJ, GMA News