Inabisuhan ng New Jersey Police ang mga taong nakakuha ng pera na nilipad mula sa likod ng isang bumibiyaheng armored truck na isauli ang mga pera.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ng East Rutherford police na Huwebes ng umaga nang makatanggap sila ng impormasyon na may perang lumalabas mula sa likod ng bullet-resistant truck.

Mayroon pa umanong mga sasakyan na nagbanggaan dahil may mga motorista na kumukuha ng pera sa lansangan.

Sa mga videos na naka-post sa social media, makikita ang isang armored truck na nakatigil sa gilid ng Route 3, habang may mga tao na nasa kalye at namumulot ng pera.

"This is super dangerous, everybody is just out there picking up money," sabi ng isang babae na nag-post ng video sa Twitter. (bit.ly/2LeRDh9)

 

 

Nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng East Rutherford police na may mga pera na isinauli pera hindi nila binanggit kung magkano, at kung magkano pa ang nawawala.

“We have had several individuals contact ERPD & return money,” sabi ng pulisya sa kanilang tweet. “We would like to advise people if they have any money connected to this incident to contact ERPD at 201-438-0165 to make arrangements for its return with no charges filed.” -- Reuters/FRJ, GMA news