May kababalaghan nga bang nangyayari sa isang bahay sa Palimbang, Sultan Kudarat kung saan bigla na lang daw nagliliyab ang mga gamit dito na nagsimula raw nitong nakaraang Enero 9.

Dahil sa pangyayari na bigla na lang nagliliyab ang kanilang mga gamit, gaya ng mga damit, kurtina, at maging ang paa ng kama, napilitan ang mag-asawang ilabas ang kanilang mga kasangkapan at mistula nang inabando ang kanilang bahay.

Sabi ng albularyo na kanilang kinunsulta, may hindi nakikitang nilalang na nasaktan ang padre de familia at naghihiganti raw ang mga ito sa kanila kaya bigla na lang nagliliyab ang mga gamit sa bahay.

Pero paniwala naman ng mga awtoridad, posibleng nakontamina ng kemikal ang mga gamit sa bahay na dahilan ng mga insidente ng sunog.

Ano nga kaya ang totoo, alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News