Isang karinderya sa Rosales, Pangasinan ang dinadayo ng mga tao hindi lang dahil sa masasarap nitong pagkain kung hindi dahil na rin sa nakasabit na kalendaryo na may larawan ni Birheng Maria at baby Jesus na lumuluha raw ng dugo.

Ayon sa may-ari ng kalendaryo, inakala niya noong una na may kostumer lang na nagsaboy ng kung anong likido sa imahe. Pero nang punasan daw nila ito ng basang basahan, hindi naalis ang matsa na tila dugo.

May himala nga bang nangyari at dugo nga ba ang mantsa sa kalendaryo? Alamin ang paliwanag ng ilang eksperto sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News