Patuloy na inaabot ni Salvacion "Lola Sally" Nacario ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kaniyang edad na higit 80 na. Ngayon taon, nakatakda na siyang magtapos sa high school.

Si Lola Sally ang pinakamatandang mag-aaral sa Fort Bonifacio High School sa Makati City, na kasama ang apo na si Rose.

Maging ang mga kaklase ni Lola Sally, masaya para sa kaniya.

Katunayan, ipinost pa ng isa sa kanila ang larawa ni Lola Sally habang suot ang toga.


Sa ulat ni Mark Salazar in sa GMA News TV's "State of the Nation with Jessica Soho," nitong Miyerkules,  sinabing pangarap noon ni Lola Sally na maging military nurse.

Pero dahil sa kahirapan, hindi niya ito nagawa.

Gayunman, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapagtatapos ng pag-aaral kaya bumalik siya sa pag-aaral.

Noong nakaraang, naitampok sa programang "Front Row" ang kahanga-hanga niyang determinasyon na mag-aral muli sa kabila ng mga pangungutya sa kaniya.

Nagbigay din siya ng payo sa mga kabataan na huwag sayanin ang pagkakataon na matapos ang pag-aaral.


--FRJ, GMA News