Full time student sa araw, barangay tanod sa gabi.

Ganyan ang naging buhay ni Janryl Tan sa mga nakalipas na taon.

Mangiyak-ngiyak siya habang nagkukwento ng kaniyang pinagdaanan.

Galing siya sa mahirap na pamilya sa Misamis Oriental at nakipagsapalaran sa Cebu.

Nakakuha siya ng trabaho bilang tanod, at sa barangay hall na tumira.

Kalaunan, nakapag-aral siya sa kolehiyo.

Kahit mahirap, nagpursige si Janryl.

At ngayon, hindi lang siya basta graduate ng kursong civil engineering — cum laude pa! —JST, GMA News