Isang furniture shop at imbakan ng kahoy ang nasunog sa Urdaneta City, Pangasinan. Kasamang nasunog ang inukit na dambuhalang buwaya na isasabak sana sa Guinness Book of World Records.

Sa ulat ni CJ Torida ng RTV-Balitang Amianan sa "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, labis ang panghihinayang ng may-ari ng furniture shop sa Barangay Tulong sa nangyaring sunog na tumupok sa mga ari-ariang aabot sa mahigit P1 milyon ang halaga.

Bukod sa mga furniture, kasamang natupok ang mga wood carvings, kabilang ang inukit na dambulahang buwaya na may habang 63 feet na isasabak sa Guinness.

Base umano sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, posibleng nagsimula ang sunog sa ulingan sa likurang bahagi ng furniture shop.

Pero hindla ng isang trabaho, posibleng sinadya umano ang sunog.
Patuloy pa ang imbestigahan ng BFP.-- FRJ, GMA News