Bumilib ang maraming netizen sa kahanga-hangang fighting spirit ng isang 19-anyos na dalagang may osteo-sarcoma o kanser sa buto.

Humina man ang katawan ni Maxine Blanco, isang estudyante, dahil sa sakit na kanser, nananatili siyang masayahin.

Hindi pa rin nawawala ang kaniyang mga ngiti kahit hirap na ito dahil sa side effects ng chemotherapy.

Hindi raw siya magpapatalo sa kaniyang sakit, sabi niya sa kaniyang post "Live life to the Max".

"Just know that I will never stop walking our path ang living life to the max. I may have cancer, but cancer will never EVER have me," ayon kay Max. 

Ayon sa kaniyang boyfriend na si Gab Sta. Ana, pinipilit pa rin ng dalaga na bumangon at pumasok sa klase.

Sa viral post nito, "She's fighting the cancer away with studies!! She really wants to go to school so bad so ayun pumasok siya."

"If I get stressed out with my studies siya inspiration ko kasi even with cancer, she can go to school pa kasi she wants to study. Ganun siya kalakas na babae!!! Im so inlove with her because of that!!," dagdag pa ni Gab.

Nagpapasalamat naman ang dalawa sa kanilang pamilya at sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila. —Joselito Natividad/KG, GMA News