Isang dating kumakatay ng aso at kumakain ng karne nito ang nabago ang buhay nang magtrabaho siya bilang dog trainer para sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at naranasang mamatayan ng alaga.

Sa programang Front Row, ikinuwento ni ni Rafael Cleford Rada ng Zemog K-9 Training Center na pinagsisihan niya rin ang dating niyang gawain na pagkatay sa mga aso.

Ngayong isa nang dog trainer, tinuturuan ni Rafael ang mga aso sa detection, protection at obedience.

Proud man sa kaniyang ginagawa, aminadong may kaba pa rin kay Rafael sa mga raid ng ilegal na droga kung saan nanganganib ang kaniyang buhay at ng mga alagang aso. Panoorin ang paglalahad ng kaniyang karanasan. —NB, GMA News