6-anyos na bata, ilang oras nawala matapos na itago umano ng maligno sa Cebu City
MARSO 12, 2024, 10:59 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Nabahala na may kasamang takot ang ilang residente sa isang barangay sa Cebu City nang biglang nawala ang isang babaeng anim na taong gulang na hinihinalang tinangay ng maligno. Sa dilim ng gabi, nag-ingay ang mga tao habang naghahanap sa paniwalang maririndi ang maligno at ibabalik ang bata.