Daan-daang katao ang walang takot na nakipagsabayan sa pagtakbo sa mga toro para sa taunang sikat na bull-running festival sa Pamplona, Spain.

Sa ulat ng Reuters, sinabing tatlo ang nasuwag ng toro, at tatlong iba ang nagtamo ng sugat sa ulo, ayon sa Red Cross.

Tumagal lang ng halos tatlong minuto ang pagtakbo ng mga toro sa makipot na kalye patungo sa bullring, kung saan haharapin naman ng mga hayop ang mga "matador."

Umabot umano sa 53 katao ang nilapatan ng lunas ng Red Cross dahil sa tinamo nilang mga bahagyang sugat.

Taong 2009 nang huling may nasawing "runner" sa naturang kapistahan matapos na masuwag siya sa leeg ng toro.

Bagaman marami ang natutuwa sa bull-running festival, may mga tumututol din dahil isa umano itong uri ng pagmamaltrato sa hayop.-- Reuters/FRJ, GMA News