Sugatan ang isang driver nang mahulog ang kaniyang 4x4 Ford Ranger mula sa ikalawang palapag ng isang hotel sa Ortigas Center, Pasig City nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rocky Pagaragan Yabut, 30, na isinugod sa Rizal Medical Center dahil sa tinamong bale sa kaniyang braso at binti, ayon sa Eastern Police District.


Sa ulat ni Mark Makalalad ng Super Radyo dzBB, sinabing nangyari ang insidente dakong 11:25 a.m. habang nasa parking area ng The Malayan Plaza Hotel sa panulukan ng Topaz at Opal Roads sa Brgy. San Antonio ang sasakyan.

Inaalam pa ang dahilan kung bakit mahulog mula sa parking area ang sasakyan.—FRJ, GMA News