Mabagal man kumilos, nagpabilisan pa rin ang mga susô sa taunang World Championships na ginaganap sa Norfolk, England.

Sinimulan noong 1960's, buhay na buhay pa rin ang naturang tradisyon kung saan mahigit 160 na mga susô ang isinabak ng mga residente.


 
Ang labanan, inilalagay ang mga susô sa lamesa na may tatlong bilog, at ang unang makalalabas sa huling bilog ang tatanghaling panalo.

Naunang iniulat na magaman libangan lang ang naturang kompetisyon sa mga residente, siniseryoso nila ang pagpili ng pinakamahusay na susô.

Bukod dito, ang kinikita sa mga nagpaparehistro para sumasali at manood ay napupunta naman sa local charity.-- Reuters/FRJ, GMA News