Nakunan ng video ang nakatutuwang ginawa ng isang pato (duck) nang tulungan nito ang isang bata na kunin ang tsinelas nito na nahulog sa 'di kalalimang bangin sa Barangay Inabuan sa bayan ng San Francisco, Quezon.

Makikita sa video na pinipilit ng pato na iabot sa bata ang nahulog nitong tsinelas.

Naka ilang ulit pa na nabitawan ng pato ang tsinelas subalit pinilit pa rin nitong makuha ang tsinelas upang iabot sa bata.

Sa huling pagkakataon ay nakuha na ito ng bata na tuwang-tuwa sa nangyari.

Ayon sa uploader ng video na si Myla Aguila, hindi raw niya akalaing magagawa iyon ng pato kung kaya’t kinuhanan niya ito ng video.

Laking gulat rin niya nang malaman na hindi naman raw pala alaga ng bata ang pato matapos niyang tanungin ang bata. —LBG, GMA News