Parehong walang malay na nailabas sa nasunog na bahay ang dalawang maliit na aso sa Carmichael, California. Ang mga bumbero, hindi kaagad sumuko na tuluyang mawala ang dalawa.



Sa video ng Reuters, makikita ang mga tauhan ng Sacramento Metropolitan Fire District na nilagyan nila ng Oxygen masks at binuhusan ng tubig sina Cocoa at Kiwi.

Maya-maya lang, nagkamalay na ang dalawang aso.

Natuwa rin ang mga bumbero nang muling ilagay ng isang aso ang kaniyang nguso sa oxygen masks kahit nagawa na nitong makaupo.

Labis naman ang kasiyahan ng may-ari ng mga asyo na makitang nakaligtas ang kaniyang mga alaga.--Reuters/FRJ, GMA News