Nagwala at hinimatay ang ilang estudyante na sinaniban umano ng masamang espiritu sa Iloilo.

Sa ulat ng RTV One Western Visayas na umere sa Unang Hirit ngayong Biyernes, nakita na habang nagpupumiglas at sumisigaw ang mga umano'y sinapian, nagdarasal ang ibang estudyante para mapakalma sila.

Kuwento ng mga estudyante, nagpasalin-salin daw ang pagsanib.

Ang punong sampaloc sa loob ng eskwelahan ang pinaniniwalaang pinagmulan ng masamang espiritu.

Kumalma naman ang sitwasyon matapos mabendisyunan ang lugar.

Kanselado muna ang klase habang pinag-uusapan pa ng pamunuan ng eskwelahan ang nangyari. —JST, GMA News