Hindi naging hadlang ang debate sa Kongreso para sa babysitting duties ng isang mambabatas sa New Zealand.
Sa gitna ng session, nakunan si House Speaker Trevor Mallard habang nagpapa-dede ng sanggol!
Dinuyan-duyan pa niya ito habang pinapa-dede.
Hindi niya anak ang naturang baby, kundi sa isang kasamahan niyang mambabatas.
Mahilig daw kasi talaga sa mga bata si House Speaker Mallard.
Madalas rin siyang makunan habang may kalong-kalong na mga baby.
Pahayag ni Mallard sa Reuters, dapat daw na mas maraming pang employer ang sumunod sa ganitong family-friendly na mga polisiya.
"What I've found is that it adds to the positive atmosphere of the workplace," aniya.
"When there's a baby to be carried in....there's a fair bit of competition to do the job." —JST, GMA News