Bukod sa paglangoy at paggapang, may iba pa palang kayang gawin ang mga buwaya na posibleng ikatakot ng mga residente sa mga lugar na karaniwang nakikita ang buwaya tulad sa Florida—kaya rin pala nilang umakyat ng bakod.

Sa pambihirang pagkakataon, isang netizen ang nakakuha ng video habang inaakyat ng isang buwaya ang alambreng bakod ng Naval Air Station sa Jacksonville, Florida .

“When someone says there is a alligator on base of course I have to go see and glad I did got to watch him or her crawl over the gate and disappear so neat," sabi ni Christina Stewart sa kaniyang video post na makikita sa kaniyang Facebook account.



Sa ulat naman ng online news WTVM.com, sinabi umano ng mga opisyal ng air station na wala silang plano na alisin o ilipat ng ibang lugar ang buwaya; maliban na lang kung magiging banta ito sa kaligtasan ng mga tao. --FRJ, GMA News