Ang mga Pinoy, mahilig sa mga linyang may "Hugot."

Tulad na lang sa Bohol, hanggang sa highway, dinala ang "Hugot!"

  • "Mag-ingat ka palagi, kahit hindi na tayo,"
  • "Crush, mag-ingat ka ha? Pakakasalan pa kita," at
  • "With or without love life, take care always."

Ilan lang 'yan sa mga hugot line na nakasulat sa mga poster na paalala sa mga motorista.

Nakalagay ang mga 'yan sa ginagawang highway sa boundary ng bayan ng Carmen at Dagohoy.

Tawag d'yan ng mga taga-Department of Public Works and Highways, "Highway hugot!"

Aliw na aliw naman ang mga dumaraan. Panoorin ang ulat sa itaas. — MDM, GMA News