Mabilis na kumalat sa isang barangay sa Maguindanao ang kuwento ng isang lalaki na umano'y naging pusa matapos na makunan sa CCTV ang sinasabing "pagpapalit" niya ng anyo. Gaano nga ba ito katotoo ang istoryang ito?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing nasa ospital ang lalaki nang biglang itong magwala at nagpilit na makaalis ng ospital. Sa ikalawang palapag ng ospital, tumalon siya mula sa bintana pero lumitaw sa CCTV na mistulang naging pusa siya nang bumagsak bago tuluyang nakalayo.

Hinanap ng "KMJS" ang lalaki upang alamin ang katotohanan kung kaya niyang magpalit ng anyo, Panoorin ang kaniyang kuwento sa video na ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News