Kung may stage mother, meron ding stage teacher!

Todo-bigay sa pagsasayaw ang isang teacher sa Cotabato City habang nagpe-perform ang kanyang mga estudante.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinisiguro lang daw ni Teacher Den na hindi makakalimutan ng kanyang mga estudyante ang steps ng sayaw.

Hindi naman nasayang ang kanyang pagod dahil nanalo ang kanyang klase ng tatlong awards. —Margaret Claire Layug/KBK, GMA News