Hindi man lumilipad, kinagigiliwan naman ngayon sa kalsada ang isang motorsiklong may anyong helicopter o "helicycle motocopter" na dinisenyo ng isang Davaoeño.

Sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation," sinabing dinisenyo ito ni Carter Usman, na bagamat hindi man opisyal na kasama sa nagdaang Kadayawan Festival ay itinaon niya naman ang pagparada ng kaniyang obra sa araw ng pista.

Ang body kit ay gawa sa PVC pipes at plain metal sheets, at kinulayan pa niya ng watawat ng Pilipinas para maging mas espesyal.

Proud si Carter sa pag-viral ng "helicycle motocopter," na isang patunay ng pagiging talentado ng mga Pinoy. —Jamil Santos/LBG, GMA News