Hindi nag-atubili ang isang rider na sagipin ang isang kuting sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Nag-aalala raw kasi ang TNVS rider na si Rouzdy Sultan na masagasaan ang kuting kaya niya ito sinagip.

Dahil walang mapaglagyan, sa damit muna nilagay ni Rouzdy ang kuting.

Nagdesisyon na si Rouzdy na ampunin ang kuting, na pinangalanan niyang Ponkan. —KBK, GMA News