Siksikan ang mga pasahero ng tren ng PNR ngayong Biyernes nang gabi. Sa biyahe papuntang Calamba, Laguna mula Tutuban, literal na hindi mahulugang karayom ang mga pasaherong halos magpambuno na.

Isang babaeng pasahero ang napilitang okupahin na ang lalagyan ng mga bagahe sa kisame ng tren. Nakatulog na nga raw ito sa sobrang init.

 

 

Halo-halo na raw ang amoy ng mga pasahero ayon sa kumuha ng larawan na si Eduard Ablanida.

Isang pasahero pa nga raw ang nawalan na ng malay.

Nagtutulakan na raw ang mga pasahero papasok at palabas ng tren para makauwi lang. —Peewee Bacuño/JST, GMA News