Isang patimpalak ang ginanap sa Naga City kung saan nagpabilisan gumapang ang ilang babies, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Umabot sa 13 sanggol edad anim hanggang walong buwan ang nagpaunahang makarating sa finish line kung saan nag-aabang ang kanilang mga magulang.

May mga umiyak pero mayroon ding bibong-bibo.

At ang nagwagi, may dagdag pambili ng gatas at diaper. —KBK, GMA News