Isang catering truck ang nawalan ng kontrol at mag-isang paatras na tumatakbo nang paikot-ikot malapit sa isang eroplano sa tarmac ng O'hare Airport sa Chicago. Alamin ang maaksyong paraan na ginawa para mapatigil ito.

Sa ulat ng  GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing lumitaw sa imbestigasyon na nagkakarga ng inumin sa isang eroplano ang crew ng truck nang mahulog ang isang case ng tubig at dumagan sa gas pedal kaya ito umandar.

Ilang minuto munang nagpaikot-ikot ang truck bago ito napahinto sa pamamagitan ng pagbangga ng isang truck na gamit sa heavy equipment.

Wala namang nasaktan sa insidente at naiwasan na mabangga nito ang isang nakatigil na eroplano.-- FRJ, GMA News