Kilala ang Siargao ngayong bilang surf capital ng Pilipinas.

Pero bukod sa magagandang beach, usapu-usapan din ngayon ang umano'y milagrong naganap sa isang kapilya sa isla.

Sa Catangnan Chapel, may napansing kakaiba ang lay minister na si Anghel sa crucifix sa gitna ng kapilya. Ang katawan daw ng imahen na dati nang may marka ng mga sugat, tila nagkaroon daw ng sariwang dugo.

Ano ang katotohanan sa likod ng misteryong ito? Alamin sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho. —JST, GMA News