Dahil sa mga pangakong hindi raw natupad noong panahon ng kampanya, isang alkalde sa Mexico ang iginapos ng mga magsasaka at pinakaladkad sa isang pickup truck.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing pinasok sa opisina ng mga galit na magsasaka sa kaniyang tanggapan si mayor Jorge Luis Escandón Hernández ng Las Margaritas sa Mexico.

Itinali ang kaniyang mga kamay at inilabas sa kalye, at saka iginapos sa pickup truck hanggang sa ipakaladkad ng ilang metro.

Nasagip naman ang alkalde nang dumating ang mga pulis at ilang magsasaka ang inaresto.

Nagalit umano ang mga tao dahil hindi raw tinutupad ng alkalde ang kaniyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya tulad ng maayos na kalsada.--FRJ, GMA News