Naging usap-usapan ang isang video ng umano'y isang White Lady na nahuli-cam ng CCTV sa isang tulay San Rafael, Bulacan.  Sa naturang lugar, matagal na raw may babaeng "nagpaparamdam."

Ayon sa mga kuwento, may mga itinatapon daw kasing bangkay sa lugar. May nagsasabi rin na may mahiwagang babae na naninirahan sa malapit sa tulay na kung minsan ay nagpaparamdam din sa mga tao.

Hanggang sa isang araw, isang puting hugis ang nagrehistro sa CCTV camera na pinaniniwalaan ng mga taga-barangay na patunay na white lady nga sa tulay.

Sinuri ng isang multimedia analyst at cinematographer ang naturang video ng CCTV at lumitaw na hindi dinuktor ang video pero mayroon siyang napansin kaya tila telang puti na lumulutang ang lumabas sa video. Kung ano ito, panoorin ang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News