Posibleng maging totoo na ang mga napapanood natin sa mga fantasy movie na puwedeng "maglaho" ang isang tao sa pamamagitan ng "magic" balabal.

Sa ulat ng Reuters, ipinakita ng materyales na ginawa ng Canadian company na Hyperstealth, na puwedeng "mawala" ang isang tao pero makikita pa rin ang background o nasa likod nito.

READ: UP scientists invent invisibility cloak for classroom use

Walang magic o kapangyarihan sa likod ng "invisibility cloak" na puwede umanong gamitin para makapagtago ang isang tao. Puwede rin itong gamitin pantakip upang maitago ang isang bagay, o mga sasakyan tulad ng eroplano.

Umaasa ang kompanya na nasa likod ng tinawag nilang "Quantum Stealth" material na magagamit ito sa military at police operations, o kahit sa pagtatago ang mga gamit sa bahay na ayaw mong makita ng mga bisita.-- Reuters/FRJ, GMA News