Kung may mga taong kilay o buhok ang buhay, ang isang 48-anyos na lalaki sa Zamboanga del Sur, kuko naman ang pinaka-iingat-ingatan.

Ang kuko kasi sa kaliwang kamay ni Mang Jango, umaabot na ng limang pulgada ang haba matapos na hindi niya ito pagupitan sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Dahil iniingatan niyang huwag maputol ang kaniyang mga kuko, pinipili lang niya ang kaniyang mga ginagawa sa bahay at okey lang naman daw ito sa kaniyang asawa.

Pero bakit nga ba niya gustong maging mahaba ang kaniyang kuko? Alamin ang kaniyang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News