May isang grupo sa Mindanao na nagtayo ng sarili nilang "bansa" na tinawag na Maharlika Nation. Bukod dito, nagtayo rin sila ng sarili nilang bangko at mayroon din silang sariling pera na tinatawag nilang G-Zion, na ang halaga raw ay puwede umanong tumapat sa ibang mayayamang bansa.

Alamin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung saan sa Mindanao matatagpuan ang Maharlika Nation, at ang sagot ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung kinikilala ba nila ang perang G-Zion, na handa raw ipamudmod ng grupo. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News