Dahil nagkakaubusan na ng face mask, ang ilang residente sa Liliw, Laguna nagsuot na lang ng diaper sa ulo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon kay Kagawad Kevin Pamatmat, paraan niya ito para turuan ang kabataan na maging maparaan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Sa ganitong paraan din daw ay napapagaan nila ang isang seryosong sitwasyon. —KBK, GMA News