Sa gitna ng napipintong pagsabog ng Bulkang Taal, nakakapagbiro pa rin ang ilang evacuees sa Balayan, Batangas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Dahil sa samu't saring damit na donasyon sa kanila, ang ilang evacuees nag-ala security guard, ballet dancer, kolehiyala at instant mayor.

Ayon sa isang lumikas, laking pasasalamat nila sa anumang donasyon.

Pero paalala sa publiko, nawa'y iangkop natin ang ating mga donasyon sa sitwasyon ng ating mga kababayang nasalanta. —KBK, GMA News