Abril noong 2019, naitampok sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" si Mamu dahil nahulaan umano niya ang nangyaring lindol sa Luzon. Sa naturang panayam, hiningan siya ng prediksyon na maaaring susunod na mangyayari at kasama sa kaniyang nabanggit ang pagsabog ng bulkan.

Matapos ang naturang pag-ere ng programa, ilang beses pang nag-post si Mamu sa kaniyang Facebook account tungkol sa nakikita niyang bulkan na sasabog. At ilang oras lang bago maganap ang pagsabog, nag-post siya na, "eto na."

Papaano nga ba nagkakaroon ng pangitain si Mamu tungkol sa mga kalamidad na mangyayari, at ano-ano pa ang kaniyang prediksyon na magaganap tulad daw ng isang napakalakas na lindol at saan kaya ito tatama?

Bukod sa malakas na lindol, may dalawang bagyo rin umano na kasinglakas ni "Yolanda" ang nakikita niyang tatama sa bansa. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA New