Karaniwang na diretso ang tingin ng mga imahen ng Sto. Niño, kaya naman laking gulat ni Angelika na humihiling na magkaroon muli ng baby nang makita ang larawan na tila nakatingin at nakangiti sa kaniya si Baby Jesus. Natupad kaya ang kaniyang hiling? Panoorin.

Kuwento ni Angelika, nalaglag noon ang kambal sa kaniyang sinapupunan at pinangambahan niya na baka hindi na siya muling mabuntis. Kasama ang kaniyang asawa, nagpunta sila sa Basilica Minore del Sto. Niño sa Batangas upang hilingin at idalangin sa Sto. Niño na muli siyang mabuntis.

Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung nagkaroon ba ng katuparan ang hiling ni Angelika at alamin din ang kuwento ng iba pang deboto at nananalig sa Sto. Niño tungkol sa kanilang mga ipinagdasal na natupad.

Ang isa namang Santo Niño sa Las Piñas, bigla raw lumuha kasabay ng pagputok ng  Taal nito lang Linggo.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News