Isang sari-sari store sa Bacoor, Cavite kung saan puro expired ang paninda ang nabistong nagbebenta pala ng iligal na droga.

Ayon sa eksklusibong ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, matagal nang nasa ilalim ng police surveillance ang naturang tindahan.

Display lang daw ang mga paninda dahil puro expired na ang mga ito para raw hindi mapansin ang drogang tinda.

Sa buy-bust operation, nagkaroon pa ng habulan dahil nagtangkang tumakas ang mga suspek.  Sa huli, anim ang naaresto kabilang ang isang high-value target.   

Nakuha sa mga suspek ang isang baril at mga bulto ng shabu na  nasa P1 milyon ang halaga.  —KBK, GMA News