Isang buntis ang hindi na umabot sa ospital at inabot ng panganganak sa loob mismo ng sinasakyan niyang pedicab sa Goa, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Huwebes, makikia ang ginang habang inaalalayan ng mga tao palabas ng pedicab.

Habang lumabas sa pedicab, kalong-kalong ng ina ang bagong silang niyang sanggol.

Mula sa pedicab,  binuhat ng dalawang lalaki ang mag-ina para isakay naman sa tricycle at dinala sila sa ospital.

Inaalam pa sa ngayon ang kalagayan ng mag-ina at ang kasarian ng baby.--FRJ, GMA News