Isang babae ang inaresto matapos siyang magtangkang magpuslit ng shabu sa kulungan na nakapalaman sa pande-coco sa Lucena, Quezon.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ng pulisya ang inarestong babae na si Irene Madridano, na hindi naman nagbigay ng pahayag.

Ang pande-coco ay isang uri ng tinapay na may palaman na niyog.

Ayon sa pulisya, planong ibigay ni Madridano ang droga sa mga kakilalang preso.

Inaalam na kung saan kinukuha ng suspek ang mga shabu .--FRJ, GMA News