Sa Mercedes, Camarines Norte, may isang balon na itinayo sa lugar na bahagi ng dagat at makikita lang kapag low-tide. Ang tubig na nanggagaling sa balon, bumubula, manamis-namis daw ang lasa na parang softdrinks at pinapaniwalaan ding nakagagamot ng sakit.

Dahil manamis-namis daw ang tubig sa balon, tinawag ito ng mga residente na "soda spring," at ginagawa pang "chaser" ng ilang umiinom ng alak. Pero ano nga bang mayroon sa tubig na ito at ligtas nga ba itong inumin?

Alamin ang resulta ng isinagawang pagsusuri at paliwanag ng mga eksperto sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News