Imbes na ulam, shabu ang kasama ng pabaong kanin ng isang Chinese para sa kaniyang kaibigan sa Clark, Pampanga, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, papasok ng Clark Free Port Zone si Zhang Cun Hua, 29, na may bitbit na isang lunch box. Dadalhin daw niya ito sa kaniyang kaibigang Chinese na nagtatrabaho sa isang POGO o Philippine Offshore Gaming Operations doon.

Nang inspeksiyunin ang lunch box, hindi ulam ang nakitang kasama ng kanin kundi isang pakete ng shabu.

Agad siyang hinuli at dinala sa pulisya.

Hindi na siya nagbigay ng pahayag. —KBK, GMA News