Hindi lang gising kung hindi tumutugtog pa ng violin ang isang babae habang inooperahan sa utak sa isang ospital sa London. Ang ginawa raw ng babae, nakatulong nang malaki sa trabaho ng mga duktor. Alamin kung bakit.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, hinahayaan ng mga duktor ang 53-anyos na pasyenteng si Dagmar Turner,  na tumugtog ng violin para maiwasan nilang tamaan ang bahagi ng kaniyang utak na nagkokontrol sa galaw ng kaniyang mga kamay.

Inoperahan si Turner sa King's College Hospital para alisin ang tumor sa kaniyang utak.

"We perform around 400 resections (tumor removals) each year, which often involves rousing patients to carry out language tests, but this was the first time I've had a patient play an instrument," sabi sa pahayag ni Professor Keyoumars Ashkan, consultant neurosurgeon.

"We managed to remove over 90 percent of the tumor, including all the areas suspicious of aggressive activity, while retaining full function in her left hand," dagdag niya.

Labis naman ang pasasalamat ni Turner sa mga duktor na naging maayos ang kaniyang operasyon at hindi nangyari ang kaniyang kinatatakutan na hindi na siya makatutugtog muli.

"Thanks to them I'm hoping to be back with my orchestra very soon,"  saad niya.--AFP/FRJ, GMA News