Masaya ang may-ari ng isang restobar sa Sipocot, Camarines Sur dahil sa magandang kita ng kaniyang negosyo. Ang sinabing pampasuwerte nito, ang isang pilyong duwende na hindi lang daw isang beses nahagip sa CCTV.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ikinuwento ng ilang empleyado ng restobar ang mga karanasan nilang hindi pangkaraniwan tulad ng paggalaw ng mga bagay kahit walang humahawak.

Maging ang mga psychic, nagsasabi rin umano na may "alagang" puting duwende sa restobar kaya maganda ang takbo ng negosyo nito.

Pero ang sinasabing ebidensiya talaga na mayroong duwende sa restobar ay ang nakita sa CCTV na maliit na tila pigurang may dalawang paa na palakad-lakad at tumatalon pa sa lugar.

Isa nga bang duwende ang na-caught on cam o baka naman isang uri ng kulisap? Panoorin ang video sa taas.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News