Bagaman walang namamasyal dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), dalawang cute na bisita naman ang nakita ng mga netizen na naglilibot sa Shedd Aquarium sa Chicago.

Sa Twitter post ng Shedd Aquarium, sinabing pinayagan ng caretaker ng dalawang penguin na sina Edward at Annie, na maglibot sa tila inabandonang pasilidad.

 

 

"While this may be a strange time for us, these days feel normal for animals at Shedd. Our caregivers are constantly providing new experiences for the animals to explore and express their natural behaviors with," saad nila sa post

Dumaan pa ang dalawa sa information desk at tila namangha rin sa malaking aquarium.

 

 

Naaliw naman ang netizens nang makita ang mga penguin na tila nag-e-enjoy naman sa kanilang "tour."

Nakatutuwa umanong may makitang ganitong mga tagpo sa panahon ngayon na marami ang nababahala sa nangyayari sa mundo dulot ng COVID-19.--FRJ, GMA News