Kinailangang lumabas ng bahay ni "Spiderman" kahit may "community quarantine" hindi para puksain ang kontrabidang COVID-19 kung hindi para mamalengke sa Sampaloc, Maynila, ayon sa kaniyang misis.

Sa Facebook post , makikita si Jon Gani, isang cosplayer, na nakasuot ng Spiderman costume habang nasa labas ng kanilang bahay.

Bilang pag-iingat sa nakahahawang virus,  sinabi ni Jean na bukod sa face mask ay nakatuwaan na rin daw ng kaniyang mister na isuot ang naturang costume.

Sinisigurado naman nila na naka-disinfect ang costume ni Gani pagkauwi niya ng bahay.

Sa pinakahuling ulat mula sa Department of Health, 230 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 18 ang nasawi. --FRJ, GMA News