Isang lalaki sa Cavite ang binigyan umano ng diwata ng kaniyang buhok na hindi nasusunog at puwede pa niyang gamiting panggamot.

Kuwento ni Harold, nakita niya ang mahiwagang babae sa isang talon na nagpatulong umano sa kaniya at nagbigay ng kaputol na buhok.

"Sabi niya, 'Tulungan mo ako. Puputol ako ng buhok ko kunin mo sindihan mo hindi masusunog. Gamitin mo 'yan sa kabutihan,'" saad niya.

Binigyan din ng umano'y miracle seed si Harold na pinapainom niya sa mga nagpapagamot sa kaniya na parang ordinaryong tableta.

Ang tila buhok naman na hindi nasusunog, inilulublob niya sa tubig at saka ipaiinom ang tubig sa mg nagpapagamot sa kaniya.

Ayon kay Harold, may mga napagaling na siyang "pasyente," at ilan daw sa mga ito ay malubha ang sakit.

Ngunit buhok nga ba talaga ang sinasabi ni Harold na galing sa diwata? Tunghayan ang pananaw ng ilang eksperto sa video ng "KMJS." Panoorin.

--FRJ, GMA News